Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyuda ni Enzo, ‘lover’, pulis inasunto na (Parricide, frustrated murder)

082914 enzo pastor suspects

SINAMPAHAN ng kasong parricide at frustrated murder ng mga awtoridad ang biyuda ni international car racing champion Enzo Pastor na si Dahlia Guerrero Pastor.

Kasama niyang kinasuhan ang itinuturing na mastermind sa krimen na ang negosyanteng si Domingo “Sandy” de Guzman III at ang gunman na si Police Officer 2 Edgar Angel para sa pagpatay kay Enzo.

Tinukoy ng pulisya, kabilang si Dahlia sa pagplano sa pagpatay sa kanyang asawang si Enzo, makaraan mabatid ng biktima na may illicit affair ang ginang sa negosyanteng si De Guzman.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya si Dahlia.

Samantala, hindi makapaniwala ang mga magulang ni Enzo Pastor na may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak ang kanilang manugang na si Dahlia.

Ayon kay Mr.Tomas Pastor, ama ni Enzo, nagtungo pa sa burol ng kanilang anak si Dahlia kasama ang mga magulang at simula noon hindi na nagpakita pa sa kanila ang ginang.

BIYUDA NI ENZO TARGET NG BI

INIUTOS ni Immigration Commissioner Sigfried Mison ang pagsusuri sa travel records ni Dahlia Pastor, ang biyuda ng international race car champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor, upang malaman kung nakalabas na ng bansa ang ginang.

Bagama’t wala pang direktang kautusan ang korte, mas makabubuti kung una na nilang tutukan ito.

Dahil dito, si Dahlia ay idineklara na bilang “Person of interest” ng naturang ahensiya.

Magugunitang itinurin na rin bilang suspek ang byuda ng pinaslang na race car champion bunsod ng anggulong love triangle sa krimen.

Sa ngayon, ay tanging siya na lamang ang hindi pa nahuhuli sa tatlong mga suspek.

Nabatid na sinasabing may extra-marital affair si Dahlia sa itinuturong mastermind ng pagpatay na si Dominggo De Guzman III.

Samantala, si De Guzman at ang self confessed gunman na si PO2 Edgar Angel ay dinala na kahapon sa Department of Justice upang isailalaim sa inquest proceeding kaugnay sa kasong murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …