Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoe, magpa-fire dance sa Talentadong Pinoy

082314 Mariel Rodriguez robin padilla

00 fact sheet reggeeNABANGGIT ni Mariel Rodriguez na sana walang kumain ng blade o bubog sa mga contestant ng Talentadong Pinoy na mapapanood ngayong Sabado dahil baka raw gayahin ng asawang si Robin Padilla tulad ng panggagaya nitong nag-stunt gamit ang mga kurtina sa pilot episode nito.

Kaya naman tinanong namin ang kaibigan naming taga-TP kung sino-sino ang contestants nila ngayong Sabado at kung ano-ano ang talents nila.

Kuwento sa amin, “Fat Hot Mommas po, mommies na comedy bar talents at “bigatin” na magpapamalas ng galing sa pagsasayaw;  May Extreme magician na ilang beses siyang nag-audition sa ‘TP’ dahil sa kagustuhan niyang maipamalas ang galing and, finally, makikita na siya ng sambayan sa stage; Fire Dancer – ang babaeng literal na magpapa-init sa stage sa makapigil hinga niyang pagfa-fire dance; at ang Light Production – grupo ng mga kabataang mula Pasig na bumabangon mula sa pagkakasalanta ng Bagyong Ondoy at ngayon ay magpapakita ng galing gamit ang ilaw.”

Wala naman palang delikadong bagay na gagawin ang contestants ngayong Sabado kaya tiyak na hindi ninerbiyoain si Mariel.

Kung talagang kasama sa usapan nina Binoe at TP ang magpakitang gilas siya sa opening ng programa ay malamang ang fire dance o trying hard magician ang gagawin ng action star dahil imposibleng gayahin niya ang hot mommies na sasayaw at ‘yung light production na kumakanta.

Anyway, sina Lani Misalucha, Bayani Agbayani, at Tessa Prieto ang judges/talent scouts din.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …