ni Peter Ledesma
SUPER beauty ang dating ni Alex Gonzaga sa mga Kapamilya actor at kasamahan sa top-rating afternoon teleserye na “Pure Love” na sina Marco Joseph at Arjo Atayde. May isa pang humahabol na “crush” din si Alex at siya ay walang iba kundi ang PBB All In Big Winner na si Daniel Matsunaga.Ano ba ang mga katangian ni Alex at hinahabol siya ng tatlong boys?
Well si Alex kasi habang pinagmamasdan nang matagal ay lalong gumaganda. At mabuting tao rin ang actress host at masarap siyang makisama. Dagdag pa ang aliw factor sa mga kasama sa Pure Love. Chika pa ni Marco, wala raw dull moment kapag si Alex ang kasama mo na napakalakas ng sense of humor.
So hindi na kataka-taka kung marami ang nahuhumaling sa actress. Sa Star Magic Ball nga na gaganapin sa September 6 ay pinag-aagawang pareho nina Marco at Arjo na sila ang maging escort ng daughter ni Mommy Pinty Gonzaga.
Well good luck na lang sa dalawa gyud!
NASH, ALEXA, AT GIMME 5, BIBIDA SA BAGONG “WANSAPANATAYM” SPECIAL NA “PERFECTO”
Perfect treat para sa buong pamilya ang handog ng “Wansapanataym” ngayong Sabado at Linggo (Agosto 30 at 31) sa pagbubukas ng bagong month-long special na pinamagatang “Perfecto.”
Pagbibidahan ito ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, at ang sumisikat na boy group ng “ASAP 19” na Gimme 5.
Sa “Wansapanataym Presents Perfecto” ay gagampanan ni Nash ang karakter ni Perry, isang binatilyong walang ibang hangarin kundi ang maging perpekto para sa kanyang ina at sa kanyang hinahangaan na si Kylie (Alexa).
Dahil sa kanyang mga kahinaan, determinado si Perry na gawin ang lahat ng paraan para maabot ang kanyang pangarap. Ano ang kayang isakripisyo ni Perry kapalit ng hinahangad niyang perpektong buhay? Ano ang mga pagda-raanan niya upang matutunan na mas mahalaga ang kagandahan ng kanyang kalooban kaysa lahat ng karangyaan?
Bahagi rin ng “Perfecto” sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grace Fernandez.
Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Onat Diaz. Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na “Wansapanataym,” ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng “Wansapanataym Presents Perfecto” ngayong Sabado, 7:15 ng gabi pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at Linggo, 7:00 ng gabi, pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
KANTAHAN AT SAYAWAN SA “BARANGAY SUPERSTAR” SA EAT BULAGA
Isa sa kinaaaliwang panoorin ngayon ng Dabarkads sa “Juan For All, All For Juan” ang contest para sa mga residente sa iba’t ibang Barangay na “Barangay Superstar.”
May kantahan at sayawan dito at puwede rin ang aktingan. Grupo o solo ang pwedeng mag-join rito. Tulad nitong Miyerkoles, mula sa Brgy. Tabing Ilog, Marilao, Bulacan ang tatlong kalahok na sina Jose Atisado na kumanta ng old hits na bagay na bagay sa kanyang boses, Mico Jacinto na nagpamalas ng Fire Dancing at ang itinanghal na winner noong araw na ‘yun na si Michael Gonzales na hanep ang performance sa pagbi-break dancing at nanalo ng P10K.
Aba! Sikat ka na sa mga kabarangay mo at napanood ka mula Batanes hanggang Jolo ay may datung ka pa sa Barangay Superstar! Bahagi rin ng Juan For All ang mga public service segment na Bayanihan Of ‘Da Pipol at ang Su-god-Bahay sa Barangay na nagbabago sa kapalaran ng mga Dabarkads nating kapos sa buhay.