Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utak sa Enzo Pastor slay arestado

082814_FRONT

ARESTADO na ang mastermind sa pagpatay sa international race car champion na si Enzo Pastor.

Kinilala ng QCPD-CIDU ang sinasabing mastermind na ang negosyanteng si Domingo ”Sandy” de Guzman III, naaresto ng pulsiya kamakalawa sa Muntinlupa City.

Inaresto si De Guzman makaraan siyang ikanta ng gunman sa krimen. Nakuha sa posesyon ng negosyante ang dalawang armas.

Habang kinilala ang gunman na si PO2 Edgar Angel, miyembro ng Pasay Police, umamin sa kanyang mga kabaro na siya ang pumatay kay Pastor noong Hunyo 12 sa kahabaan ng Congressional Avenue, Quezon City.

Inamin ni Angel sa mga pulis na ang naarestong negosyanteng si De Guzman ang siyang kumuha ng kanyang serbisyo para barilin si Pastor at P100,000 ang ibinayad sa kanya.

LOVE TRIANGLE

LOVE triangle ang sinisilip na motibo sa pagpatay sa international car razer na si Enzo Pastor.

Napag-alaman, ang naarestong negosyanteng utak sa pagpaslang na si Domingo ”Sandy” de Guzman III ay sinasabing may relasyon sa isang Dahlia Pastor na misis ng car racing icon. Samantala, ikinatuwa ng pamilya Pastor ang pagkaaresto sa gunman at mastermind sa pagpatay kay Pastor.

Sinabi ni Mr. Thomas Pastor, masaya ang kanilang pamilya sa naging development sa kaso ng kanilang anak.

Ayon sa ama ni Enzo, may nababalitaan na ang pamilya nila na may isyung third party ngunit wala silang nabalitaan direkta mula kay Pastor nang nabubuhay pa ang biktima.

Giit ng ama, hindi nagsasalita  si Enzo sa kanyang mga magulang kaya hindi nila nalaman na may isyu.

MISIS SUSPEK

ITINUTURING na rin bilang suspek ng Quezon City Police District (QCPD) ang asawa ng international race car champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor.

Ayon kay QCPD-CIDU chief Major Rodel Marcelo, batay sa mga ebidensiyang kanilang nakalap, maituturing na ring suspek ang asawa ni Enzo na si Dahlia Pastor.

Sinabi ni Marcelo, batay sa kanilang imbestigasyon, na-establish na ‘love triangle’ ang motibo sa pagpatay sa international race car icon.

Nabatid na may relasyon si Dahlia, ang asawa ni Enzo, at ang naarestong negosyante na kinilalang si Domingo “Sandy” de Guzman, itinuring na mastermind  sa pagpatay kay Pastor.

Dagdag pa ni Marcelo, hinahanap na ngayon ng PNP si Dalia para sa imbestigasyon.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …