Saturday , November 2 2024

Usurero itinumba sa public market

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang usurero o nagpapautang ng 5-6, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa palengke ng Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Supt. Rodolfo ‘Boy’ Hernandez, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang biktimang si Ferdinand Libarra y Diaz, 45, residente ng Brgy. Catmon, sa naturang bayan.

Nabatid na ang biktima ay lulan ng kanyang Toyota Hi-Ace Grandia EL na may conduction sticker TWO113, papuntang Sta. Maria Public Market, nang salubungin ng suspek at barilin gamit ang .45 kalibreng baril.

Pagkaraan ay naglakad ang suspek patungo sa kasamang nasa Honda XRM saka tumakas sa direksiyon patungong Bgy. Sta. Clara.

Nakatakdang mangolekta biktima upang mangolekta sa mga market vendor para sa pautang niyang 5-6.

(MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *