NILAGDAAN ni dating Pangulong Corazon Aquino, yumaong ina ni Pangulong Benigno Aquino III, noong Oktubre 26, 1990 bilang batas ang Republic Act 6969, naglalayong ipagbawal at kontrolin ang importasyon, pagbebenta, paggamit ng nakalalason at mapanganib na mga kemikal.
Kilala bilang “Toxic Subtances and Hazardous Waste Chemicals Act of 1990,” ipinagbabawal nito ang pagpasok sa bansa ng chemical subtances na mapanganib sa kalusugan at kapaligiran.
Gayunman, bagama’t umiiral ang batas, nakalulusot pa rin sa bansa ang toxic chemicals, pahayag ng BABALA (Bayan Bago ang Lahat), ang public service entity na may layuning maipaunawa sa mga mamamayan ang mga isyung may kinalaman sa kapakanan ng publiko.
Umaasa ang coconut farmers, tumututol sa method ng Philippine Coconut Auhority sa pagsugpo sa coconut scale insects, na aatasan ni Pangulong Aquino ang PCA na baguhin ang method na gumagamit ng Neonicatinoids, sinasabing mapanganib na kemikal na ayon sa mga magsasaka ay lalo pang makapipinsala sa coconut industry at maaaring magdulot nang tuluyang pagkawala ng world market para sa coconut products.
Ang PCA methods na pag-inject ng Neonicatinoids, kilalang nakalalasong kemikal, sa mga puno ng niyog ay magpapaasim sa sabaw at sa buko, at hindi na maaaring kainin ng tao. Kapag nabatid ng foreign buyers na ang ating niyog ay ginamitan ng toxic chemicals, para na rin tayong nagpaalam sa lumalaking international market, babala ng grupong BABALA.
“What happens then to the poor coco farmers, their families and the industry itself,” tanong ni BABALA informant Gerry Constantino.
Ang coconut scale insects ay batid na ng PCA noon pang 2009 ngunit walang ginawang aksyon hanggang sa humantong na sa krisis ang sitwasyon.
“If it was a gambit, it paid off because it made PNoy issue Executive Order No. 169 allocating P700 million for use against the devastating coconut menance,” aniya.
Sinabi ni Constantino na dapat iutos ni PNoy ang pagbabago sa method ng CSI treatment. Mayroon aniyang locally-made products na napatunayang epektibo sa ganitong uri ng mga insekto. Halimbawa nito ay ang Botanical Insects Regulator (BIG R 1 and 2) na napatunayang epektibo laban sa mga peste ng niyog.