Sunday , December 22 2024

Pekeng land owner, sinampahan ng syndicated estafa

00 Abot Sipat ArielNANGGALAITI ang humigit kumulang sa 300 katao na kumuha ng hulugang lote sa land owner, real estate deve-loper at real estate broker na may operasyon sa Brgy. Guyong, Sta. Maria. Napaniwala sila nang bentahan ng mga lote sa mababang halaga at hulugan pa kaya agad sinunggaban ang pagkakataong magkarooon ng kapirasong lupa sa nasabing bayan sa Bulacan.

Sa salaysay ng ilan sa mga biktima na sina Saturnina Pardillos, 56; Pedro Taneo, 61; Venacio Lacandazo, 40; Myrna Fernando, 64; Susan Laroga, 50; Regiet Tanudra, 44; Rea Abrasado, 45; pawang ng Brgy. Guyong; at Estelita Ondevilla, 63, ng Brgy. Caypombo, Sta. Maria, bumili sila ng lupa sa Marjanaz Corporation na sinabing pag-aari ng isang Mario Nazareno noong Hunyo 23, 2013, na may opisina sa By-pass road sa kanilang barangay at nag-down payment sila ng tig-P10,000 at naghulog kada buwan ng P1,340 sa naturang kompanya.

Kinasuhan nila sa paglabag sa kasong Syndicated Estafa at paglabag sa Republic Act 9646 sa Bulacan Regional Trial Court sa Malolos City sina Mario Nazareno, Niceto Capiral, Syvia Mendoza-Morta, Rolando Colindo, Maaresol Santos, Victoria Narciso, Leah Nazareno, Sunshine Espino, Rosanna Colindo, Christopher Buenafe, Alex Eugenio, Marilyn Francisco Na-zareno, Manuel Nazareno Sr., Manuel Nazareno Jr., pawang residente ng Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan na may-ari at opisyales ng Marjanaz Corp. at Marjanaz Marketing and Allied Services. Sa magagandang pangako at paniniguro na kumpleto ng papeles at may mga titulo sa nasabing mga lupang ibinebenta, nagtiwala agad ang 300 biktima at kumuha ng tig-iisang parsela ng lupa na may sukat na 67 metro kuwadrado.

Lumipas ang ilang buwang paghuhulog ng mga biktima sa Marjanaz Corp. at Marjanaz Marketing and Allied Services, nagulat sila nitong Pebrero 10, 2014 nang hindi na tinanggap ni Mario Nazareno at ng opisyales ng dalawang kompanya ang kanilang hulog ng at pilit silang pinapipirma sa isang kontrata na taliwas sa kanilang napagkasunduan.

Hindi nila pinirmahan ang nasabing mga bagong kontrata kaya tinakot sila ni Mario Naza-reno na babalewalain ang lahat ng nai-downpayment at mga naihulog nila sa lupa. Doon na sila naghinala sa Marjanaz Corp. at Marjanaz Marketing and Allied Services at nang magsiyasat sila ay natuklasan na hindi nakapangalan kay Nazareno at iba pang opisyales ang titulo ng lupang ibinebenta, wala papeles at permit tulad ng Zoning Locational Clearance at Development Permit, walang Certificate of Registration at License to Sell mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), PRC license, at hindi rin lisensiyadong Real Estate Broker at Appraiser ang Marjanaz.

Sa natuklasan ng mga biktima, hindi na sila nagdalawang isip na sampahan ng kaukulang kaso sa Bulacan RTC sa Malolos City sa tulong ni Atty. Ivy Galang ng Bulacan-Public Attorney’s Office.

Sana naman, mapabilis ng Bulacan RTC ang paggalaw ng kasong ito para naman makamit ng napakaraming naloko ang hinihingi nilang katarungan.

Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *