Saturday , November 2 2024

Padaca muling kinasuhan sa Ombudsman

082814 ombudsman padaca
SINAMPAHAN ng kaso sa Ombudsman si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ng kanyang kababayang abogado sa Naguilian, Isabela, dahil sa hindi pag-file ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) noong siya ay gobernador ng Isabela.

Ang kasong paglabag sa Section 1, Rule 7 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay isinampa sa Ombudsman for Luzon ni Atty. Francisco Ignacio Ramirez III.

Si Atty. Ramirez ay dating Provincial Legal Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at nakatatlong termino bilang mayor ng Naguilian, Isabela.

Si dating Comelec Commissioner Padaca ay tubong Minanga, Naguilian, Isabela.

Kabilang sa mga ebidensiya ni Atty. Ramirez sa isinampang kaso sa Ombudsman laban kay Padaca ay ang certification ni Human Resource Management Officer (HRMO) Hortencia Galapon ng Isabela Provincial Government, nakasaad na walang inihaing SALN si Padaca mula 2005 hanggang 2009, panahon ng kanyang panunungkulan bilang gobernador ng Isabela.

Batay rin sa record na nakuha ni Atty. Ramirez, ang SALN ni dating Commissioner Padaca mula 2007 hanggang 2010 ay inihain lamang niya sa Deputy Ombudsman for Luzon noong Hulyo 12, 2013.

Kung maaalala, ang SALN ni dating governor Padaca ang isa sa mga hinanap ng Commission on Appointments (CA) nang talakayin ang kanyang kompirmasyon bilang commissioner ng Comelec.

Na-bypass sa CA si Padaca at hindi na binago ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang ad-interim appointment bilang Comelec commissioner.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *