Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga numero uno, tampok sa Gandang Ricky Reyes

082814 ricky reyes miguel tan felix

BAKIT ba nakukuha ng isang tao ang taguring “Numero Uno”? Panoorin ang lifestyle program ng GMA NEWS TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na magbibigay ng sagot na…

Ikaw ay numero uno kung natatangi ka sa lahat, nasa tugatog ng tagumpay sa iyong piniling larangan at iginagalang ng iyong mga kapanabay at ka-propesyon.

Sa GRR TNT ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. dadalaw si Mader Ricky Reyes sa teyping ng nangungunang dramaserye ng Kapuso na Nino na ang bida’y ang dating survivor ng Starstruck Kids na si Miguel Tanfelix.

Ikukuwento ni Miguel ang naging buhay niya sa showbiz matapos ang Startruck Kids hanggang makaganap sa iba-ibang GMA-7 shows at ngayon nga’y popular dahil sa mahusay niyang pagganap bilang binatilyong isip at kilos bata.

‘Di raw inakala ng teen actor na magtatagumpay ang serye nila at matatalo nito sa reyting ang ibang mga kasabay nilang show sa ibang network.  “’Di ko po inaako ang karangalan. Kung anuman po ang tagumpay ng ‘Nino’ ay utang ko po sa mga kasama ko. Joint effort po ito,” sey niya kay Mader.

Dating empleado lang si Mr. Constante Tapuro na nang magretiro’y nagtayo ng sariling kompanya. Numero uno na ngayon ang International Marketing Group na siya ang Chief Operating Executive at Marketing Director. Sa interbyu ni Mader Ricky kay Mr. Tapuro ay ipinagtapat niyang masarap pero mahirap ang maging matagumpay. “Kailangan ang patuloy na pagsisikap at pagtratrabaho para manatili ka sa itaas. ‘Di ka puwedeng magpabaya dahil marami kang mga tauhang sa’yo umaasa.  Kaunting pagkakamali sa mga desisyo’y maaari kang bumagsak,” sabi ni Mr. Tapuro.

Numero unong problema ng mga ginoong edad 40 pataas ang panlulugas at pagnipis ng kanilang buhok. Habang nakakalbo’y unti-unting nababawasan ang kanilang machismo at tiwala sa sarili. Matapos malagyan ng wig na yari sa tunay na buhok ng tao ang isang kliyente ng Gandang Ricky Reyes Salon ay balik-guwapo at feeling ma-appeal muli ang nasabing ginoo.

Para sa mga kuwento at panooring katangi-tangi, tutok lang sa GRR TNT na handog ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …