ni Alex Brosas
WEIRD pala itong si Carlos Agassi.
Isang follower ni Mo Twister ang nagpadala ng series of photo ni Carlos na tila hilig ang maghubad kahit saang lugar, kahit na sa malamig.
Napansin kasi ng fan ang kakaibang hilig ni Carlos na palaging nakabukas ang polo whenever he poses. Sa isang restaurant ay bukas ang polo niya. Sa isang cliff sa Golden Gate na ang lamig-lamig ay ganoon din ang drama niya, naka-jacket at naka-long sleeve polo tapos nakabukas. Noong nasa swimming pool siya ay naka-polo siya na naka-unbutton din ang suot niyang polo.
Bakit ka nga ba ganoon Carlos?
Hindi kaya gusto lang ipakita ng hunk actor na he has not changed a bit sa kanyang pangangatawan? O kaya ay gusto niyang mang-akit?
We don’t know where Carlos is based now pero sa nakikita naming posts niya sa Twitter account niya ay nakakakuha pa rin naman siya ng raket, mostly sa mga probinsiya.