Thursday , December 26 2024

Tongpats ni VP Binay inamin ng ex-partner (Makati Parking Bldg. P1.2-B original budget)

082714_FRONT

082714 coa makati rali
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa Senate habang dinidinig ang kaso ng mag-amang Binay na tongpats upang pabilisin ang special COA Audit sa Makati City Parking Building na P2.7-bilyon parking building.

KUMITA si Vice President Jejomar Binay ng malaking halaga mula sa tong-pats ng kontrobersiyal na Makati Parking Building.

Ito ang ikinanta sa Senado ni dating Makati Vice Mayor Elmer Mercado na umaming P1.2 bilyon ang halaga ng Parking Building at hindi P2.7 bilyon tulad ng sinasabi ng pamilya Binay.

Si Mercado ay nagsilbing Vice Mayor ng Makati noong Mayor pa lamang ng siyudad si Vice President Binay.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Mercado na personal siyang nakinabang sa tongpats mula sa implementasyon ng Phase I at Phase II ng Makati Parking Building.

“Kung ang Vice Mayor ay nakinabang, lalo na po ang Mayor. Imposibleng hindi nakinabang ang Mayor,” ani Mercado.

“Iyan po ang kalakaran sa Makati,” aniya.

Sinabi ni Mercado na nagulat siya nang malaman niya mula sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na umabot na sa P2.7 bilyon ang pondong inilaan ng Makati city government para sa pagpapatayo ng Parking Building.

Sa kanyang pagkakaalam, ani Mercado, hindi lalampas sa P1.2 bilyon ang pondong gugugulin para matapos ang pagpapatayo ng Parking Building.

“Sa presyong ito, tapos na dapat ang building at kasama na dapat ang bayad sa arkitekto at fixtures,” paliwanag ni Mercado.

“Kaya nga na-shock ako nang malaman ko na lumobo na ang presyo ng Parking Building sa P2.7 bilyon,” dagdag niya.

Dahil sa kanyang pasabog, inalok ni Sen. Antonio Trillanes si Mercado na ipasailalim sa Witness Protection Program kasama ni Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso.

Sina Bondal at Enciso ang nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Vice President Binay, Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ibang opisyales ng Makati kaugnay ng overpricing sa Parking Building.

Sinabi ni Mercado bagama’t natatakot siya sa kanyang seguridad, pag-iisipan pa niya kung tatanggapin niya ang alok ni Sen. Trillanes.

“Mula nang magkahiwalay kami ni VP Binay, may mga sasakyan nang palaging sumusunod sa akin. Kung anoman ang mangyari sa akin, nag-iwan na ako ng sulat sa aking pamilya para malaman nila kung ano ang nagyari sa akin,” paliwanag ni Mercado.

Inamin ni Mercado na matalik silang magkaibigan ni Vice President Binay at parang magkapatid na ang turingan nila.

“Prinsipyo ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Bayan na ang nakasalalay dito at walang politika rito,” diin niya.

Samantala, kinompirma ng Presidente ng Philippine Institute of Architects na si Feredico Colcol ang valuation ng kilalang appraiser na si Federico Cuervo na pumapatak lamang sa P23,000 kada square meter o P700 milyon ang nararapat na halaga ng pagpapatayo ng Makati carpark building at masyadong mataas sa P2.7 bilyon.

Hindi dumalo sa pagdinig si Mayor Junjun Binay.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *