Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Princess Ella magiging kontender

00 rekta Fred

Agarang nagresponde ang kabayong si Princess Ella nang bibuhan ng husto ng kanyang hinete na si John Alvin Guce sa idinaos na 2014 PHILRACOM “Ist Leg, Juvenile Fillies/Colts Stakes Race” nitong nagdaang Linggo sa pista ng Sta. Ana Park.

Ayon sa aking basa at naobserbahan sa nasabing kabayo ay kaya siyang maisunod muna sa ayre ng kanyang makakalaban at kapag oras na hingan ay may buong tapang siyang rumemate pagsungaw sa rektahan.

Kaya kahit pa naging maikli ang naging labanan ay tiyak na magiging isa siya sa magiging kontender para sa grupo ng mga Juveniles (2YO). Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng 0:59.2 (13-21′-25) para sa distansiyang 1,000 meters.

Sa naganap naman na “NPJAI – Mr. George Y. Stribling Trophy Race” ay bumanderang tapos ang kabayo ni Ginoong Patrick Uy na si Señor Patrick na pinatnubayan ni Pati Dilema.

Sa largahan ay buong lakas na kinuha ni Pati ang unahan at hindi na pinaporma pa ang nakalaban niyang top choice na si Rio Grande ni Jeff Zarate hanggang sa makarating sila sa meta. Tumapos naman ang karerang iyan ng tiyempong 1:00.8 (13-22-26′) sa pareho din na distansiya.

Mainam na bantayan ang pumangatlo sa kanila na si Pusang Gala kapag medyo humaba o sa mas mahaba pang distansiya, dahil pagdating sa pagremate ay masasabi kong matulis siyang kumamot sa kanyang ultimo kuwartos.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …