ni Roldan Castro
SUPORTADO ng mga LGBT community si Michael Pangilinan.
Ayon kay Bemz Benedicto (one of the founding members of Ladlad Partylist, the only LGBT political party in the Philippines), maglalabas na sila ng statement na suportado nila ang entry nito sa Himig Handog P-Pop Love Songs na Pare, Mahal Mo Raw Ako, composed ni Joven Tan.
Napaka-inklusibo, gender sensitive at napapanahon daw ‘yung kanta dahil binabasag ang pagkakahon at mga pag-ibig na hindi dapat, wala sa kasarian. Kumbaga, umaakma ito sa ipinaglalaban ng LGBT.
Ang finals ng Himig Handog ay sa September 28 sa Araneta Coliseum.
Sey nga ng kanyang manager na si Jobert Sucaldito, “Michael Pangilinan doesn’t mind becoming an Ambassador of the LGBT community if needed. You don’t have to be gay to support this very descent representation, right? Anytime basta ba available si Michael, maaasahan nila ang aming suporta.”
Sa August 28 naman ang concert ng bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael sa Teatrino in Promenade Greenhills handog ng Front Desk Entertainment ni Jobert.
Ang naturang concert ay pinamagatang Pare Mahal Mo Raw Ako (The concert) na guests sina Sam Milby, Prima Diva Billy, Herbert C, at Rochelle Pangilinan.
Bongga!