Yes halos lahat, ay naniniwala na ang pakikialam o panghihimasok ni mommy Divine at daddy Delfin ang dahilan kung bakit takot na takot si Sarah na mag-boyfriend. At finally sa kauna-una-hang pagkakataon ay nagsalita na si Mommy Divine upang sagutin ang mga maling akusasyon raw sa kanya ng kanyang mga detractor.
“Ganito kasi ang panuntunan namin sa buhay na hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya (she’s reffering to Sarah) na, ‘Ito ang gusto ko para sa iyo. Hindi ayaw namin ng gano’n. Pinapayuhan namin siya, sasabihin namin ‘Anak, ganito, ganyan siya. Pero kung anong gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod.’ Desisyon pa rin niya,” pahayag ni Mommy Divine.
Madalas raw pinaaalalahanan si Sarah ng mga magulang lalo na sa pagpili ng lalaking makakasama niya sa habambuhay.
“Lagi lang namin sinasabi na sana ‘yung lalaking pipiliin niya ay ‘yung masasandalan niya habambuhay. Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon para sa ikabubuti ang emosyon. Hindi ‘yung puro emos-yon na lang. Pakonswelo na lang ang physical appearance,” esplika pa ng controversial showbiz Mom.
Well sana totoo lahat ang kanyang mga sinasabi lalo pa’t aware ang maraming kasama-han sa industriya sa sobrang estrikto nila ng mister na si Mang Delfin pagdating sa buhay pag-ibig ni Sarah.
I’m not convince gyud!
THROWBACK THURSDAY CONCERT NI OGIE ALCASID, BUKAS NA SA MUSIC MUSEUM
Majority sa atin ay paborito ang OPM songs of 80s and 90s. Isa sa masasabing maraming nagawang hits sa mga dekadang ‘yan ay si Ogie Alcasid na mapapanood ninyo sa kanyang Throwback Concert bukas, August 28 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.
Maganda ang sales ng tickets sa concert at balita pa namin ay nagkakaubusan na raw. Sa rami ba naman kasi ng fans ni Ogie ay tiyak na magiging SRO ang latest concert nito na suportado ng kanyang loving wife na si Regine Velasquez at siguradong matutuwa ang lahat, dahil bukod kay Ogie, may mga surprise guest siya na mga artist from the 80s. Si Mr. C o Ryan Cayabyab lang naman ang musical director ng once in a lifetime event na ito.
Ang Throwback Thursday ay magsisilbing birthday concert ni Ogie na nagdaos ng kanyang kaarawan kamakailan lang at handog niya siyempre ang konsiyerto sa kanyang mga tagahanga mula noong pumasok siya sa industriya at hanggang sa ngayon.
Ilan sa mga kakantahin ng singer songwriter ay “Growing Up” na magbabalik-tanaw sa kanyang bagets days. May tribute rin siya sa namayapang Master Rapper na si Francis M. At ang magiging major higlight sa kanyang repertoire, ang pagkanta niya ng Prom Song Medley na kina-bibilangan ng kanyang most favorite love songs na “GotTo Believe” at “King and Queen of Hearts.”
And to heighten the romantic moods ay ibabalik ni Ogie ang ilan sa OPM love songs from the eighties tulad ng “Hey It’s Me,” “Leaving Yesterday Behind,” “Hindi Magbabago” at “Maghihintay Sa ‘Yo.”
Hindi magiging kompleto ang high school reunion kung wala si Maestro, ang pamosong si Mr. C. Para sa mga gustong pang humabol at bumili ng ticket ay tawag na sa Ticketworld sa 891-9999.
EAT BULAGA KINILALA NG BUREAU OF FIRE PROTECTION SA KANILANG SOS PROJECT SA IBA’T IBANG BARANGAY
Matagal nang namamahagi ang Eat Bulaga sa iba’t ibang barangay sa loob at labas ng Mega Manila ng SOS o Sandata o Sakuna tulad ng pito at flashlight na may kasamang baterya. Milyon-milyong SOS kit na ang naipamigay ng programa sa mga Dabarkads natin. Malaking tulong ito sa oras ng sakuna tulad ng bagyo, lindol at sunog. At dahil sa kabayanihan at pagtulong ng Bulaga ay pinagkalooban sila kamakailan lang ng Token of Appreciation ng Bureau of Fire Protection. Deserves ng nasabing No. 1 and longest-running noontime variety show ang parangal dahil main concern o goal ng kanilang programa ang makatulong sa lahat. Kaya every month ay pumipili ang Bulaga ng kanilang Barangay Bayanihan Grand winner na pinagkakalooban ng mga re-galong mapapakinabangan ng mga residente sa bawat barangay tulad ng truck ng basura, ambulansiya, rubber boat at marami pang iba.