Monday , November 18 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-29 labas)

00 ligaya

“H-hayaan mong magpaliwanag ako…”

Pero hindi naidepensa ni Dondon ang kanyang panig kay Ligaya. Nalingonan niya ang pagdating ng babaing may tulak-tulak na stroller. Ki-nuha kay Ligaya ang sanggol para kalungin. Nahulaan niya na ang tagapag-alaga ng sanggol na anak ng dating nobya.

“May importeng lakad lang akong hinahabol…” pama-maalam ni Ligaya sa kanya. “Sige, ha, ‘Don?”

“Pwede ba ta-yong magkitang muli sa ibang araw?” aniya sa tila pangangapos ng hininga.

“Pinauuwi kaming mag-ina sa Japan ng mister ko… ‘Di ako sigurado kung kelan ako makababalik,” pag-aanunsiyo ni Ligaya.

Sumakay si Ligaya sa likurang upuan ng taksi, yakap ang sanggol na batang babae at katabi ang yaya ng anak niya.

Iglap lang at nawala na sa paningin ni Dondon ang behikulong iyon na kinalulunanan ni Ligaya sa karamihan ng mga sasakyang nagyayao’t parito sa lansangan.

Sa tindi ng panlulumo ay napaupo siya sa tabi ng kalsada. Yumugyog ang mga balikat niya sa mga impit na pananangis. Sa pakiwari niya ay wakas na ang kabanata ng kanilang buhay ni Ligaya. Hindi na siya umasang magkakabalikan pa sila ng da-ting nobya. O magkita man lang silang muli.

Dagdag na parusa sa hirap na pamumuhay na nararanasan ni Dondon ang sakit at pait na namamahay sa kanyang dibdib nang dahil kay Ligaya. Bunga niyon ay unti-unti nang nagugutay ang buo niyang pagkatao. Bumagsak ang kanyang kalusugan. At nawalan ng kwenta sa kanya ang lahat-lahat.

Pero patuloy ang mundo sa pag-inog. At mahigit isang taon ang matuling lumipas mula nang huling magkita sina Dondon at Ligaya.

“Bossing, magbihis ka…” ang masiglang sabi ni Popeye kay Dondon.

“M-may lakad tayo?” usisa niya.

“Yes, Bossing,” ang sagot sa kanya ni Popeye na nag-abot ng isang bagong t-shirt. “Binili ko ‘yan para sa ‘yo sa ukay-ukay… Isukat mo, Bossing.”

Isinuot niya ang bagong T-shirt. Lapat iyon sa sukat ng katawan niya.

“A-ano’ng meron?” aniya sa muling pagtatanong.

“Nag-iimbita ‘yung driver na dating karelyebo ko sa paglalabas ng taksi… Opening daw ng restaurant na pag-aari ng bagong amo niya… Libre inom at tsibog,” ang sagot ng dati niyang runner-alalay. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *