INSPIRADO ka ba dahil sa mga nakapaligid sa iyo? O pakiramdam mo ay distracted ka? Ikaw man ay nagtatrabaho sa bahay o sa opisina, may mga araw na parang wala kang natatapos na gawain. Nadi-distract ka sa dumaraang katrabaho sa harap ng iyong mesa. At parang may naghihikayat sa iyong buksan ang iyong email o Facebook kada 30 segundo.
Kung ikaw ay nasa bahay, maaaring nabibighani kang buksan ang refrigerator – o nahahalina kang mahiga sa sofa. May mga araw na parang may mga pumipigil sa ating para sa pagpapatupad ng ating mga hangarin.
Minsan, may external factors na nagdudulot ng interruptions, ngunit mas madalas, ang ating sarili. Hindi natin mapanatili ang ating sarili sa sandali at manatili sa focus para makamit ang ating layunin.
Hinahayaan nating ang ating isip – at minsan ay ang ating katawan – sa paggala sa iba’t ibang lugar. Imbes na labanan ito, maaaring ito ang iyong secret weapon upang lalo pang maging produktibo.
Baguhin ang kapaligiran. Ang ibig sabihin ay magtungo ka sa ibang lugar upang matapos ang iyong trabaho.
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa opisina, hiniling sa iyong boss na dalhin ang trabaho sa bahay, o sa local coffee house kung maaari. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa bahay, wala kang dapat ihingi ng permiso. Maaari mong dalhin ang trabaho saan mo man nais.
Sa pagpapalit natin ng lugar, may matatagpuan tayong ibang enerhiya – na maaaring makatutulong sa ating na manatili sa focus. Maaaring may bagay sa iyong lugar na pumipigil sa iyong pag-focus sa iyong layunin, at ang makatutulong sa iyo ay bagong kapaligiran. O maaaring kailangan lamang ng kaunting pagbabago.
Lady Choi