Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis Roldan, 2 pa guilty sa kidnapping

082714 dennis roldan

NAPATUNAYANG guilty sa kasong kidnapping ng Pasig Regional Trial Court ang former character actor at dating Quezon City congressman na si Dennis Roldan o Mitchell Gumabao sa tunay na buhay.

Ang kasong kidnapping laban kay Roldan, 53-anyos, ay kaugnay sa 3-anyos batang Fil-Chinese na dinukot noong 2005.

Sa desisyon ni Presiding Judge Rolando Mislang, guilty sa naturang pagdukot si Roldan gayon din ang mga kapwa akusado na sina Rowena San Andres at Adrian Domingo.

Naabswelto sa kaso ang isa pang co-accused na si Octavio Garces.

Bunsod nito, ang mga akusado ay hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo.

Si Roldan, dati ring basketball player, ay ama ng young actor na si Marco Gumabao at ng kilalang volleyball player na si Michelle Gumabao.

Kapatid niya ang beteranang aktres na si Isabel Rivas.

Bago ang naging hatol sa kanya, ilang taon din nakalaya ang aktor makaraan makapagpiyansa ng P500,000 noong 2006.

Si Roldan ay isa na ngayong Christian minister.           (ED MORENO/

MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …