GINAWA na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ice bucket challenge na sina Zanjoe Marudo, Bea Alonzo, Ben Chan ang binigyan ng nominasyon ni DJ. Ang hosts naman ng Talentadong Pinoy na sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang hinamon ni Kathryn.
Tinanggap nila ang challenge at ginawa sa TV5 station sa Novaliches. Ang hinamon nila ay sina Rommel Padilla, BB Gandanghari, Kylie Padilla, Bela Padilla, RJ Padilla.
Ginawa rin ni Anne Curtis ang ALS ice bucket stunt na tinanggap niya ang challenge nina Billy Crawford at Coleen Garcia.
Kahit ang mga showbiz reporter ay nakiuso na rin sa ice bucket challenge.
Rito sa Bangkok, Thailand ay ginawa ni Joe Barrameda (ng Abante) ang ice bucket challenge na hinamon niya ang mga kapwa reporter na sina Dondon Sermino, Ian Farinas, at ang President eng Enpress na si Jun Nardo. Tanggapin kaya nila ang challenge?
Sumunod din si Mario Dumaual ng ABS-CBN2 sa ice bucket challenge after na gawin nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang mall show. Hinamon ni James si Mario na gawin sa stage ang challenge habang kinu-cover ang event. Sina Gretchen Fullido at Senator Grace Poe ang hinamon naman ni Mario. Binigyan din ng nominasyon ng JaDine sina Anne Curtis, Cristine Reyes, at Sam Milby.
Maging ang Entertainment Editor ng isang tabloid na si Dindo Balares ay join din sa Ice Bucket Challenge. Sina Ogie Diaz, Isah Red, at alkalde ng Iriga ang binigyan niya ng nominasyon.
Ang ALS ice bucket challenge ay kampanya para kumalap ng pondo at awareness ng tao sa amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Binigyan sila ng 24 hours sa challenge or else inaasahan silang mag-donate sa ALS Association sa United States, o anumang foundation na gumagawa ng research para sa nasabing disease.
Talbog!