Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangs Garcia at Phil Younghusband, nagkakaigihan na?

082714 phil young bangs
ni Nonie V. Nicasio

INAMIN ni Bangs Garcia na lumalabas sila ni Phil Younghusband. Subalit ayaw daw niya talagang pinag-uusapan ito dahil baka mawala iyong ‘spark.’

Marami na raw mga taga-entertainment media ang nagtatanong sa kanya ukol kay Phil, subalit tinanggihan daw niya. Pero nilinaw niyang hindi nila itinatago sa publiko ang pagiging malapit nila ni Phil.

“We are going out, we’re not hiding. We always go to the malls. We always eat out. We go to Baclaran and we love going to videoke. We love singing. Mahilig kami manood ng sine. Actually a lot of people see us outside. We’re not hiding anything,” saad ng aktres.

Ayaw niyang sabihin kung exclusively dating na ang estado nila ni Phil, subalit ayon kay Bangs ay hindi sila nagmama-dali ng sikat na Azkal player.

“We cherish every moment e. Sobrang okay kasi kami e. Sobrang click kami,” saad ng aktres.

Dalawang taon na rin daw silang magkakilala ni Phil, ngunit GF pa ng binata noon si Angel Locsin at siya ay mayroon din ibang karelasyon.

“Magkakaibigan ‘yung mga ex namin. Well siyempre, kahit na nandiyan ‘yung mga ex na-min, nag-uusap na kami. Okay kami, nag-uusap kami but we never texted each other at that time until this year.

“So nagulat kami that we clicked so much. Parang we have so much things in common. Kaya nga sabi ko para kaming mag-best friends talaga e. We can talk about anything under the sun. We can just keep on talking the whole day. As in, of course with the company of his sister and our friends. Marami kaming common friends,” saad pa ni Bangs sa panayam sa kanya ng Push.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …