ISANG daang taon ng Iglesia ni Cristo.
Apatnapung taon naman ng Philippine Basketball Association.
Makasaysayan, hindi po ba?
At malaki ang posibilidad na maging bahagi ng makulay na masaysayang ito ang pagbubukas ng 40th season ng PBA sa Oktubre 19 kung ito ay magaganap nga sa Philippine Aren a!
Nakipag-usap na sina commissioner Chito Salud at chairman Patrick Gregorio sa pamunuan ng INC hinggil sa pagsasagawa ng opening ceremonies ng PBA sa Philippine Arena.
At maganda naman ang pag-uusap na naganap.
Hinihintay na lang ng lahat ang spec ng basketball court na ilalatag sa Philippine Arena .
Sa Setyembre 19 ang deadline ng paglalatag na mangyayari.
From all indication ay mukhang okay na ang lahat. Nasa Pilipinas na kasi ang lahat ng materyales na kailangan.
Maraming katanungan ngayon ang mga PBA fans.
Una diyan ay kung aling koponan ang maghaharap sa opening day game.
Well, dahil si Gregorio ay kumakatawan sa Talk N Text, ibig sabihin ay isa ang Tropang Texters sa dalawang teams na lalaro.
Ang ikalawang koponan ba ay Ginebra San Miguel?
Ikalawa at pinakamahalaga: Kaya bang punuin ng PBA ang 55,000 seating capacity ng Philippine Arena?
Aba’y kung Barangay Ginebra ang lalaro, puwede!
Idagdag pa rito na tiyak na dadalhin at dadagsain hindi lang ng mga PBA fans kungdi ng mga miyembro ng INC ang opening day.
Gaya nga ng nasabi natin, bahagi ito ng kasaysayan e!
Sabrina Pascua