Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby and coins sa panaginip

00 Panaginip

Gud pm Señor H,

Nagdrim aq ng baby tas daw ay may nakita ako mga coins, may message kya po pinahhwatig ito s akin? Salamuch senor, pls dnt post my cp#— im sofia fr. mlabon

To Sofia,

Ang baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself.

Ang panaginip mo naman hinggil sa barya ay nagpapakita ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Posible rin naman na may kaugnayan ito ukol sa mga desisyon na iyong ginagawa, pati na rin ang kawalan ng responsibilidad sa mga pasyang ginagawa. Sa kabilang banda, ang iyong panaginip ay posible rin namang nagsasaad na ang tagumpay at kaunlaran ay halos abot kamay na. Dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa. Gayundin, ang pera ay maaaring nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values. Ikaw ay may sapat na tiwala sa sariling kakayahan. Ang ganitong tema ng panaginip ay maaaring may kaugnayan din sa iyong attitudes ukol sa love at matters of the heart.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …