NADISKUBRE ng mga archaeologist ang dalawang ‘lost city’ ng mga Maya sa kagubatan ng southeastern Mexico, at ayon sa lead researcher naniniwala siyang may ilang dosena pa ang matatagpuan sa patikular na rehiyon ng pagkakadiskubre.
Sinabi ni Ivan Sprajc, associate professor sa Research Center ng Slovenian Aca-demy of Sciences and Arts, natagpuan ng kanyang team ang sinaunang lungsod ng Lagunita at Tamchen sa Yucatan pe-ninsula noong Abril sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga aerial photographs ng nasabing bahagi ng Mexico.
Sa pag-aaral, inabot ng dalawang lungsod ang rurok noong Late at Terminal Classic period (600-1000 AD) ng mga Maya. Sa dalawang lugar, natagpuan ng mga researcher ang malapalas-yong mga gusali, mga pyramid at plaza. Ang isa sa mga pyramid ay halos 20 metro (65 talampakan) ang taas.
Mayroon ding natagpuang facade na may monster-mouth doorway, na marahil ay nagtanda ng isa sa mga pangunahing entrada sa sentro ng lungsod.
“Sumisimbolo ang entrada sa entrada ng yungib patungo sa kaharian ni Kamatayan. Ang pagpasok kung minsan sa ganitong doorway ay magtutungo sa mga sagradong silid,” ani Sparjc sa Reuters.
Kamakailan ay nadiskubre rin nila Sprajc ang isa pang ancient Mayan city, ang Chactun, may 10 kilometro (6 na milya) ang layo sa hilaga ng Lagunita at 6 na kilometro (4 na milya) sa hilagang kanluran ng Tamchen.
Kinalap ni Tracy Cabrera