Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romero natuwa sa mga draftees

082614 PBA pringle globalport

NAPILI ng GlobalPort Batang Pier Team si Stanley Pringle (may cap) ang 1st round 1st pick.  Kasama sa larawan (L-R) sina team owner Mikee Romero, Team manager Eric Arejola at coach Pido Jarencio sa ginanap na 2014 PBA Rookie Draft sa Midtown Robinsons Place Manila. (HENRY T. VARGAS)

NAKAHINGA na nang maluwag ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero ngayong napili na niya si Stanley Pringle bilang top pick sa PBA Rookie Draft kamakalawa.

Sinabi ni Romero na kailangang magkaisa sina Pringle at  dalawa niyang mga kasamang guwardiya sa Batang Pier na sina Alex Cabagnot at Terrence Romeo kung nais niyang makita ang kanyang koponan sa semis.

Mula noong pumasok ang Globalport sa PBA ay hanggang quarterfinals lang ang inabot nito kumpara sa dami nitong titulong napanalunan sa nabuwag na Philippine Basketball League.

“Talagang hinabol namin itong si Stanley since ABL days niya. He’s a franchise changer and a game changer,” wika ni Romero. “I expect him to change ‘yung pagtakbo ng Globalport. Terrence and Alex should learn to co-exist with Stanley and if they don’t co-exist, hindi kami mananalo.”

Bukod kay Pringle, nakuha rin ng Batang Pier sa draft sina John Pinto at Prince Caperal na parehong taga-Arellano University at si Anthony Semerad ng San Beda College.

“It feels good to be drafted and it’s an honor and blessing. We expect to jell because all my teammates are team players like me. It’s a good thing,” ani Pringle. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …