NAANTALA ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) nang madiskaril ang isa sa mga tren nito sa Ramon Magsaysay Boulevard, malapit sa Altura station kahapon ng umaga.
Nauna rito, tumirik din ang tren ng PNR noong Agosto 18.
Ayon sa ulat, kumawala ang hulihang bahagi ng PNR train 8088 kaya agad itong inayos ng mga train engineer upang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren sa northbound rail.
Walang nasaktan sa insidente.
Samantala, inaalam na ng awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkadiskaril nito.
Matatandaanm, nasangkot din sa insidente nang pagkadiskaril ang Metro Rail Transit (MRT) kamakailan, nagresulta sa pagkasugat ng maraming pasahero.