SA PAGNANAIS ni Paul Lee na i-trade na siya ng Rain or Shine, umaasa ang board governor ng Elasto Painters na si Atty. Mamerto Mondragon na magiging patas si PBA Commissioner Chito Salud sa pag-aprubado o hindi ng nasabing trade.
Inamin ni Mondragon na nagulat siya at ang buong pamunuan ng ROS sa desisyon ni Lee na umalis na sa Elasto Painters kahit maximum na suweldo ang payag ibigay ng koponan sa dating manlalaro ng UE Warriors.
“We’re willing to accommodate the trade, but only if we get a quality big man or a player of the same value,” wika ni Mondragon sa panayam ng www.interaksyon.com/interaktv. “We offered him the maximum salary. What we’ve been giving him is yung pinakamataas na puwede mong i-offer sa player. Hindi na naman kami puwedeng tumaas doon eh.”
”I’m confident that Commissioner Salud will make sure that there will be no lopsided trade going to happen. After all, yun naman talaga ang isa sa mga visions ni Commissioner, to make sure that all trades would be done fair and square,” dagdag ng team owner ng Painters na si Raymond Yu. (James Ty III)