ni Alex Brosas
NAGSALITA na rin si Mommy Divine tungkol sa pakikialam niya sa activities ng kanyang anak na si Sarah Geronimo at ang balitang pakikialam umano niya sa pakikipagrelasyon nito kay Matteo Guidicelli.“Ganito kasi ang panuntunan namin sa buhay, na hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya na ‘Ito ang gusto ko para sa iyo.’ Hindi… ayaw namin ng ganoon. Pinapayuhan namin siya. Sasabihin namin, ‘Anak, ganito… Ganyan siya. Pero kung anong gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod,’” paliwanag ni Mommy Divine sa isang interview.
And about her daughter’s relationship kay Matteo ay ito ang kanyang paliwanag, “Lagi lang naming sinasabi na sana ‘yung lalaking pipiliin niya ay ‘yung masasandalan niya habambuhay. Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon, para sa ikabubutiang emosyon. Hindi ‘yung puro emosyon na lang. Pakonswelo na lang ang pisikal, ang appearance.”
So, hindi siya nakikialam kay Sarah? Eh, bakit napapabalitang nagrerebelde sa kanya si Sarah dahil hindi niya ito pinapayagang makasama si Matteo sa isang event sa Cebu? Bakit nasulat na nag-hunger strike si Sarah dahil sa asar sa kanya? Ano ba ‘yung mga kuwentong iyon, inembento lang ng mga writer?