Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marianita, masuwerte kay Dingdong

081214 marian rivera dingdong dantes
ni Vir Gonzales

MASUWERTE si Marian Rivera sa lalaking magiging kabiyak ng puso. May takot kasi sa Diyos si Dingdong Dantes at walang eskandalong nagawa sa showbiz.

Doon sa Immaculate Church sa New York Cubao bininyagan si Dingdong kaya roon din nila naisipang magpakasal ni Marian sa Dec 30. Doon din sila tumatakbong dalawa kapag may problema at nagsisimba .

Imagine sa panahong ito, may isang lalaking ganito kabait at taga-showbiz pa?

Narinig namin, sapatos lang daw ang bibilhing personal ni Yanyan dahil lahat ay gastos ng actor.

May kasabihan kasi, kailangan personal mo na bibilihin ang sapatos pangkasal dahil gamit ito sa mga paa, para hindi magkahiwalay. May ganoon?

Well, walang masamang maniwala, wala namang mawawala. Good luck sa inyong dalawa.

TALENTADONG PINOY 2014, MAY PINAIYAK NA CONTESTANT

MAGANDA ang presentation ng Talentadong Pinoy 2014 ng TV5. Okey din mag-host si Robin Padilla. Hindi boring. At lalong hindi OA. Nakalulungkot lang, first time nilang mag-show pero may pinaiyak silang contestant. Hindi nakalusot ‘yung impersonator sa pagkanta n’ya ng Let It Go. Sana, pinalusot na nila tutal naman nakalusot ito sa audition na ibinigay nila.

Sana ang mga hahatol sa naturang contest ay piliin ‘yung marunong talagang kumanta, magsayaw. at may talent para humatol man sa mga contestant may karapatan.

Hindi naman puwede ‘yung komo’t sikat sa fans, kahit ano lang sabihin, okey na sa hahatulan. Tulad ng style ni Tuesday Vargas. Kinikilatis n’yang mabuti ang mga contestant at hindi humuhula lang at nakikigaya sa pagboto ng iba.

TOM, MABAIT NA ANAK

MABAIT na anak si Tom Rodriguez. Idol niya ang kanyang parents. Ang sister naman niya ang kanyang katapatan loob tuwing may problema. Ibang klase talaga ang actor from Samar. No wonder, napahanga n’ya ang aktres na si Carla Abellana.

Ewan lang kung sila na ba ngayon? Bestfriend niya ang kanyang favorite dog. Tuwang-tuwa raw ito kapag dumarating s’ya galing ng taping.

***

Personal…Kulang halos 20 taong hindi nakapag-celebrate ng bonggang kapistahan ang bayan ng Baliuag, Bulakan. Fifteen years din silang hindi man lang nagkaroon ng mga musikong nagbibigay saya sa kapistahan ni San Agustin. Babaguhin at muling ibabalik ng halal na Hemano Mayor Allan Tengco ang kasiyahan sa kanyang bayan. Si Allan ay Baliuag Tourism  head at Baliuag Knights of Columbus ang magbibigay saya sa darating na pagdiriwang. Magkaroon ng Street Dancing at mga pakontest sa Poblacion, Baliuag.

Happy birthday to Sen. Lito Lapid, Agosto 19; Philip Salvador, Mother Lily, at Amalia Fuentes. Sila ang mga August born stars.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …