Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-28 labas)

00 ligaya

MULI SILANG NAGKAHARAP NI LIGAYA PARA SA ISANG KOMPIRMASYON

“Sige, Popsie, pwede mo na ‘kong iwan dito para makapaghanapbuhay ka na…” aniya makaraang luminga-linga sa palibot ng sinadyang tirahan.

“Okey, Bossing… Biyahe na ‘ko.”

Nag-softdrinks at nannigarilyo si Dondon sa isang tindahan na abot-tanaw niya ang gate ng bahay na inuuwian ni Ligaya. Hinintay niya roon ang paglabas ng babaing minamahal. Pamaya-maya lang ay nabuksan ang gate na bakal. Isang babae na may kalong na sanggol ang natanaw ni-yang iniluwa niyon.

“’Gaya!” ang pasigaw na pagtawag niya kay Ligaya.

Parang nakakita ng multo si Ligaya. Para itong napako sa pagkakatayo sa maka-labas ng gate. Dilat na dilat ang mga mata at nangangatal ang mga labi. Nginig din ang boses nito nang bigkasin ang kanyang pangalan.

“D-Don… D-Dondon… I-Ikaw nga!”

Marahan siyang inihatid ng kanyang mga paa sa kinatatayuan ni Ligaya. Ewan kung bakit hindi niya makontrol ang pa-nginginig ng kanyang buong katawan. At ang tanging namutawi sa kanyang mga labi ay “Kumusta ka?” habang unti-unting nahihilam ng luha ang kanyang mga mata.

“O-okey lang…” ang marahang sagot ni Ligaya.

“B-baby n’yo ng… ng mister mo?”

Banayad na tango ang isinagot sa kanya ng dating nobya. “Magwa-one year pa lang ang baby ko…” anang babae sa marahang pagtungo ng ulo.

Napakagat-labi siya.

“May puwang pa ba ako sa puso mo?” naitanong niya sa pagbabara ng lalamunan.

“M-may asawa na ako, ‘Don…”

“Hindi mo ba pwedeng sagutin ang tanong ko?”

May luhang pumatak sa magkabilang pisngi ni Ligaya.

“Madali bang makalimutan ang first love?” ani Ligaya sa pagsikil sa kinikimkim na emosyon. “I-ikaw, kumusta na?”

Nabakas ni Dondon sa tinig at kabuuang larawan ni Ligaya ang tunay na nilalaman ng damdamin nito.

“Ibig kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita… kahit… kahit ngayong may iba ka na,” nasabi niya sa pagpapakawala ng saloobin.

“K-kaytagal-tagal mong nawala… Bigla mo na lang akong iniwan. Hindi kita makontak… Napudpod ang daliri ko kate-text pero ‘di ka man lang nagre-reply… A-at ngayo’y sasabihin mong mahal na mahal mo pa rin ako…” panunumbat sa kanya ni Ligaya. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …