ni Pilar Mateo
NANG kumustahin si KC Concepcion tungkol sa kanyang inang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa mga nasabi nito sa kanyang tila open letter sa kanyang Twitter account, ang sabi ng dalaga ay wala namang nasasabi sa kanya ang dakilang ina sa kung ano ang mga dinaramdam nito.
Malamang daw may gusto lang itong ipahiwatig o iparating sa pangungumusta nito sa kanyang mga tagahanga.
Nang si Judy Ann Santos naman, na itinuturing na matalik na kaibigan ng Megastar ang tinanong kung nagkakausap ba sila nito ang sabi ni Juday sa press conference ng bagong show na iho-host niya sa ABS-CBN, ang I Do, na kamakailan nga lang daw niya nadalaw ito.
“She’s doing okay. Coping. Trying to work things out. Dumaan din sa state of depression and loneliness. Pero marami na raw siyang acceptance and realization. She’s doing good. Doing well. All she asks is for our understanding and prayers. She’s on a strict diet now.”
Kinagabihan naman, sa pagpapalabas ng advanced screening ng first two episodes ng bagong reali-serye na idinirehe ni Mico Hernandez, nakita ng mga nakapanood kung gaano na ang pag-level up ng aktres sa pagiging host niya—kaiba sa Master Chef at sa Bet on your Baby.
“Salamat sa energy booster ko. Ang asawa ko na nagwo-workshop sa akin. Siya ang bihasa sa larangang ito kasi hindi pa ako confident especially ‘pag mga grand finals na hosting na live o corporate. Sabi niya sa akin listen carefully sa bawat sasabihin ng contestant. Lalo kung may pinagdaraanan ‘yung tao. Magbasa para hindi limitado ang words ko. And now educate myself more about love, marriage and relationship. He’s helped me a lot. Hindi kasi ako nahihiya magtanong sa kanya. Like, itatanong ko sa kanya ano ibig sabihin ng word na ito kasi parang gusto ko sabihin. Ay! Hindi pala maganda sabihin. Mas okay na ngayon ang confidence ko ng kaunti.”
And that confidence will be seen as Juday introduces the nine pairs na papasok sa I Do Village on August 30. Para magbigay ng advice, together with life coach Pia Acevedo and marriage councillor Dr. Julian Montano and co-host Jason Gainza sa couples na ready na to enter the married life.
LILET, MAGBABALIK-SHOWBIZ
MATATANDAAN siya sa pagkanta ng isang softdrink jingle na inikot sa buong mundo with lines na,”I am the future of the world…I am the hope of the nation…”
Si Lilet na naging star din ng Viva Films. Na isa ng maybahay at ina sa kanyang 11-year old daughter.
Hindi pa rin nagbabago ang hitsura, lalo na ang tinig ni Lilet na matatandaan naman sa mga kanta niyang Kahit Minsan Lang at Kaibigan Lang Pala from her album na Lilet Lonely Girl noong Dekada Otsenta.
Totoo naman, nag-guest lang sa Singing Bee ito, mukhang magbabalik na ang career, ayon na rin sa puna ng isa niyang kaibigan.
Sa buhay daw niya ngayon na mas kilala na niya si Lord, nakita niya raw at natutuhan sa parable of the talents na hindi dapat itinatago at kailangang isine-share o ibinabahagi ang anumang talento mayroon siya.
Nawala noon sa eksena si Lilet, na kasabayan na niya ang world renowned performer na si Lea Salonga dahil ginusto nitong mag-aral sa Japan.
Mas magiging malapit na kaya sa press si Lilet this time?