Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, gaya-gaya sa wedding proposal ni Marian

082614 heart chiz marian dingdong
ni Alex Brosas

INAASAR si Heart Evangelista sa mga comment sa social media about senator Chiz Escudero’s recent  wedding proposal to her.

As expected, inasar nang todo si Heart at naikompara pa ito kay Marian Rivera.  Gaya-gaya lang daw ang peg ni Heart dahil magkasunod ang kanilang wedding proposal.

Marami rin ang naka-observe na maraming obvious similarities sa  kanilang wedding proposal.

Una, parehong this month naganap ang proposals.

Pangalawa, dalawa ring singsing ang ibinigay ni senator Chiz kay Heart, ‘yung isa ay heart shaped.

Third, parehong Saturday nangyari ang proposal, dalawang linggo matapos ang live proposal ni Dingdong Dantes kay Marian.

Kinuyog ng bashers si Heart dahil dito.

“hala hahaha natawa tlaga ako nung nabalitaan ko to parang bata lang ano ba yan hahaha… pati araw ng proposal ginaya rin, remember SATURDAY yung proposal ni Dingdong, tapos sila rin SATURDAY hahaha.. not to mention na within the same month pa.. pwede pa sana kung the same year pero same month and same day? LOL na lang.. i will not vote for Chiz.. sayang gustong gusto ko pa nman sya dati.. pero nakabawas tlaga to sa kanya omg.”

“alam na this! ahaha naipush talaga ni heart. kailan ang kasal? december 30 din? Ahaha.”

“Hahahahaha! Nagparinig na siguro kaya napilitan na ang lolo Chiz. Sa totoo lang sobrang ang inggit ng babaeng ito sa katawan niya. Tsk tsk”

“So december din ba ang wedding??? Gaya-gaya much. Nkkipagsabayan tlga sya ah.. lets just wait kung cno mas bongga ang wedding. Lol”

‘Yan ang mga comment kay Heart.

Pero may nakapansin na mas sincere ang proposal ni senator Chiz.

“I’m not a fan of Heart, pero mas gusto ko yung ganitong proposal..para kasing commercialized masyado yung kay DongYan..pero I still like Marian compared to Heart,” sabi ng fan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …