Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cruz inangklahan ang Letran

082614 Mark Cruz letran NCAA

DAHIL sa ipinakitang tikas ni Letran co-skipper Mark Cruz sa kanilang huling laro ay hinirang itong ACCEL Quantum-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

Nanguna si Cruz sa kanilang 84-77 overtime win laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa 90th NCAA basketball tournament na ginaganap sa The Arena sa San Juan City nakaraan.

May taas lang na 5-foot-7 ang point guard na si Cruz subalit dinaig nito ang mga matatangkad sa kalabang team para ilista ang career-high 26 points kasama ang 10 puntos sa extra period upang lumakas ang tsansa na sumampa ang last year’s runner up Letran sa Final Four.

“He’s one of the two leaders of this team and he knows the guys rely on him when he it comes to crunchtime,” patungkol ni Letran coach Caloy Garcia kay Cruz.

Magkasunod na triples ang kinana ni Cruz sa OT upang hawakan ng Intramuros-based squad ang manibela, 78-70 may 3:05 minuto na lang sa orasan at saka isinalpak ang apat na free throws para naman selyuhan ang laban.

Dinaig ni Cruz sina Gab Dagangon ng Perpetual Help at Juan Paolo Taha ng College of Saint Benilde sa nasabing weekly citation na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.

Minamalas ang mga laro ng Letran sa first round kaya naman ayon kay Cruz pinipilit nitong ibalik ang koponan sa dating kinalalagyan.

“I just didn’t give up on myself and the team, we kept the faith,” ani Cruz.

May 4-6 win-loss slate ang Knights. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …