NAGA CITY – Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang excursion ng mga estudyante nang isa sa kanila ang malunod makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa lungsod na ito kamakalawa.
Ang biktimang si Aron James Tandog ay tinangay nang malakas na alon ng tubig habang habang tumatawid sa na-sabing ilog.
Nabatid, nagtungo ang 18-anyos biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Giovanni Hernandez, 19; Rica Tionangco, 18; at Kevin Albert San Juan sa Ma-labsay Falls sa Brgy. Panicuason sa naturang lungsod upang maligo.
Habang pauwi ay tumawid sila sa isang ilog ngunit tinangay ng tubig ang apat.
Gayonman, may nahawakang ugat ng punongkahoy ang tatlo habang si Tandog ay tuluyang dinala ng tubig.