Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, posible raw maibalik ang pagkakaibigan nila ni Kris

082614 herbert kris

ni Roldan Castro

TUNAY na Darling of the Press si Quezon City Mayor Herbert Bautista . Monthly dapat  ay may ‘meet-the-press’ si Mayor Bistek para sa mga birthday celebrator na movie  editors/columnists  pero dahil busy  siya pinagsama-sama niya ang mga entertainment press  na may kaarawan ng January hanggang September noong Sabado sa Vera Perez Garden.

Next month naman naka-schedule ang mga may birthday ng October hanggang December.

Cool  na sumagot si Mayor sa mga tanong sa kanya tungkol kay Kris Aquino. Magkabati kasi  sila at magkaibigan pa rin sa kabila na naudlot ang kanilang malalim na relasyon. Anong ginawa niya?

“Si Kris kasi..siya mismo ang nagsasabi, ‘ay matured na ako,e!’ I think, we we’re both at the right time  and age na ganoon ang reaksiyon namin,” aniya.

Hindi naman dinaramdam ni Mayor ang punchline ni Kris na hindi siya nananakit ng pisikal pero nakakasakit siya ng damdamin.

“Totoo naman ‘yun,e!,” pag-amin niya.

Pero sakay na raw niya ang actress-TV host. Tipikal na Kris daw ‘yung nagsasalita.

“Magaan lang naman talaga ang buhay, eh, ‘di ba? Siguro, baka marami na siyang. . .ayoko nang magsalita,”  bitin niyang pahayag.

Marami na siyang…ano po?

“Marami na siyang ginagawa, baka marami na siyang plano, maraming nanliligaw siguro. So. .. andiyan si Derek (Ramsay) ‘di ba?,” deklara niya.

Nagsigawan ang movie press  sa pagkakabanggit niya kay Derek Ramsay. Wala naman daw siyang ibig sabihin. Basta okey naman sila ni Kris  pero hindi naman sa punto na nagkakamustahan, nagte-texan. Hindi raw ganoon kadali. Hindi rin daw sila lumabas o nag-coffee after ng interbyuhan at huling pagkikita nila sa Aquino & Abunda Tonight.

Hindi rin daw nila pinag-uusapan ng mga anak niya tungkol sa bagay na ito at sabay-sabay lang na nagmo-move on sa isyu at hinaharap ang positive side ng buhay.

Kumusta ang love life?

“Love life, wala. Mga bata pa rin. My daughter is in Ateneo. ‘Yung anak kong isa, mag-e-entrance exam sa UPCAT at sa Ate­neo. So, sana pumasa siya, ‘yun ang focus ko ngayon,” bulalas niya.

Hindi na puwedeng  dumalik ang closeness nila ni Kris?

“Siguro ‘pag may panahon. Wala namang problema roon..panahon lang,” tugon niya.

Grabe rin ang intrigang pinagdaanan nila, anong masasabi niya?

“Siguro ngayon hindi na dapat pinag-uusapan.Tapos na ‘yun, eh! Ang mga usong usapan ngayon, Marian (Rivera), Dingdong, Zsa Zsa (Padillla  at saka si architect), Sharon (Cuneta),” sey pa niya.

May mensahe pa siya kay Mega: “Ate Shawie, nandito lang kami, a,” aniya pa.

Napag-usapan din ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gaganapin sa nasasakupan niya, sa Quezon City na roon din siya lumaki.

“I’m happy for them,”  bungad ni Mayor.

“Doon daw ipinanganak si Dingdong sa barangay namin,” aniya.

Ipinangako rin niya na pamamahalaan nila ang security sa naturang lugar at mga daan  na puwedeng maging lagusan para maipasara ang nasabing area at hindi maapektuhan ang traffic.

Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …