ANG nakapangingilabot na ‘apocalyptic images’ na ito ay hindi eksena mula sa “Walking Dead”, kundi kuha sa isa sa pinakamalaking car cemeteries sa mundo – ang Chatillion Car Graveyard sa Belgium. (http://www.boredpanda.com)
ANG traffic jam na ito sa Belgian forest ay 70 taon na ang nakararaan.Ang nakapangingilabot na ‘apocalyptic images’ na ito ay hindi eksena mula sa “Walking Dead”, kundi kuha sa isa sa pinakamalaking car cemeteries sa mundo – ang Chatillion Car Graveyard sa Belgium.
Ayon sa urban legend, ang nasabing mga sasakyan ay iniwan ng US soldiers mula sa World War II, dahil hindi na maaaring dalhin pang muli pabalik sa US nagdesisyon silang itago ang mga ito sa kagubatan upang sa kanilang pagbabalik ay kanilang muling makuha.
Ngunit taliwas ito sa paniniwala ng locals, sinabi nilang ang nasabing mga sasakyan ay itinambak na lamang doon makaraan ang WWII.
May apat na car graveyards sa Chatillon, mayroong 500 sasakyan bawat isa. Ngunit karamihan sa mga sasakyan ay ninakaw o tinanggal na roon ng locals. At dahil sa environmental issues, ang buong graveyards ay inalis noong 2010.
(http://www.boredpanda.com)