LOS ANGELES – Umaabot sa 50,000 Filipino ang apektado ng magnitude 6.0 lindol sa California.
Ang nasabing mga Filipino ay nasa Napa county, higit na naapektohan ng pagyanig.
Ang ilan ay nasira ang mga bahay bunsod ng lindol. Marami rin ang nanatili pansamantala sa mga hotel.
Bagama’t patuloy pang ina-alam kung may mga Filipino sa mga sugatan.
Nabatid, 170 ang nasugatan sa lindol at anim sa kanila ay kritikal.
Nagdeklara na ng state of emergency si California Governor Jerry Brown kasunod ng lindol sa nasabing estado ng Amerika.
Ang lindol ay nagdulot ng sunog kaya maraming bahay sa Napa ang nilamon ng apoy bunsod ng gas leaks dahil sa nasi-rang pipelines.
Marami rin kabahayan sa Napa ang sinira ng pagyanig.
Nagkalat ang debris ng bricks at beams ng mga nasi-rang gusali.
Sinabi ni Mark Ghilarducci, director ng California Emergency Office, halos 100 kabahayan ang hindi na ligtas ngayon at bawal nang pasukin.
Kasalukuyan nang walang koryente roon.