Saturday , November 2 2024

3 bata nalunod sa ilog

ROXAS CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tatlong bata makaraan malunod sa isang ilog sa Brgy. Dayao sa lungsod na ito.

Kinilala ni SPO1 Charlemagne Tupaz ang mga biktimang sina John Michael Antonio, 11; Jerry Liboon, 10; at Kent John Astrolabio, 6, pawang ng Brgy. Dayao, Roxas City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, unang nalunod si

Astrolabio ngunit sinikap iligtas ng nakatatanda niyang mga kaibigan ngunit maging sila ay nalunod din.

Nagkayayaan ang tatlo na maligo ngunit hindi inaasahan na malalim ang tubig.

Napag-alaman, ang nasabing bahagi ng ilog ay hinuhukayan ng lupa ng developer ng isang subdivision.

Lingid sa kaalaman ng mga magulang na nagtungo ang mga biktima sa ilog hanggang sa matagpuan na lamang ng ilang mga residente ang mga bata habang nakalutang sa tubig.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *