Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa mga manliligaw kay Jen: kailangang tanggapin si Jazz

082514 Jennylyn Mercado

ni John Fontanilla

ISA raw sa qualification para masilo ang puso ni Jennylyn Mercado ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya at nagbabalak manligaw ay ang tanggapin ang kanyang anak na si Jazz.

Ayon kay Jennyln, nang makausap namin sa presscon ng kanyang bagong endorsement, ang ZH&K Mobile sa Annabels, Tomas Morato, “Actually sa ngayon hindi talaga ako nag-e-entertain ng manliligaw.

“Hindi pa kasi ako handa! Wag muna.

May mga nagti-text nga at nagpaparamdam kay Jennylyn pero no time for love ito sa ngayon. “May nagti-text-text, may tumatawag-tawag at nagpapa-cute, pero sinasabi ko naman sa kanila straight forward na hindi pa talaga ako handa at alam ko na naiintindihan naman nila.

“Dapat tanggapin nila ‘yung pamilya ko ‘yun ‘yung mahalaga sa akin. Package ‘yun, packaged deal!”

Busy ngayon si Jen sa kanyang career at pinaghahandaan na niya ang nalalapit na concert. “Mayroon akong concert this October 10 pero inaayos pa ‘yung venue. Abangan na lang nila ‘yung mga magiging guest ko kasi inaayos pa rin namin pero puro pasabog.

“Kakaibang Jennylyn ang mapapanood nila rito, kaya dapat nilang abangan. May lalabas din akong album under GMA Records combination of original composition at revival songs.

“Pero mostly mga love song kasi alam naman natin ang mga Filipino mahilig sa mga masasakit na kanta, lahat halos ng kanta ko sa album puro heart breaks. ‘Yung three original songs si Vhenee Saturno ‘yung nag-compose,” sambit pa ni Jen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …