Sunday , November 3 2024

Panukalang statistic curriculum sa K-12 rebyuhin (Panawagan sa DepEd)

072714 deped k12

NANAWAGAN ang isang grupo ng statisticians sa Department of Education (DepEd) na rebyuhin ang panukalang statistics curriculum sa ilalim ng K-12 program, bunsod ng mga problema sa planong pagpapatupad nito.

Ayon sa kasalukuyan nilang pangulo na si Jose Ramon Albert, itinala ng Philippine Statistical Association, Inc. (PSAI) ang ilang mga isyu na kanilang hinihiling sa education department na ikonsidera bago ang pagpapatupad nito sa bagong statistics curriculum.

Sa ilalim ng bagong curriculum, ang konsepto ng statistics ay ipinanunukala na ituro sa grade 1 hanggang 8, at sa grade 10. Ang nasabing asignatura ay patitindihin pa sa second semester ng Grade 11 Math course sa statistics.

“We extol these efforts to improve statistical literacy among Filipino learners, so that they can become effective citizens in this age of ICT and Big Data,” ayon sa grupo.

Bilang tanging scientific society ng mga indibidwal at institusyon, na ‘committed’ sa pagsusulong nang maayos na paggamit ng statistics,’ ipinunto ng grupo ang ilang mga isyu na maaaring lumutang kapag ipinatupad na ang bagong curriculum.

Ipinunto ng PSAI na ang statistics ay iba sa math, at sa kabila nang paggamit ng ilang mathematics tools, ang statistics “deals with uncertainty as well as inherent variability in data,” konsepto na kinakaharap din maging ng mga guro na nagtuturo ng statistics.

“It is very likely that teachers of Grades 1-3, Grades 4-8 Math teachers, and Grade 11 Math teachers, who will be asked to teach Statistics throughout K-12 program, will face similar, if not more difficulties,” paliwanag ng grupo. (ROWENA DELLOMAS-HUGO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *