ni Roland Lerum
APAT na dating mga chidstar ang nakausap ni King of Talk Boy Abunda sa Inside the Cinema One, ito’y bago siya naratay sa ospital. Sila ay sina Nino Muhlach, Snooky Serna, Matet de Leon, at Vandolph Quizon.
Sabi ni Nino, hindi raw niya makalilimutan ang gay role niya sa Slumber Party. ”Nang tawagan ako ng direktor ng movie na ‘yon, sabi niya, ‘okey ba sa iyo ang gay role?’ Sabi ko, ‘I like it’ hindi pa ako nakakaganap ng ganoon. So, inaral ko talaga.”
Si Snooky naman ay nagsabing spiritual ang pokus niya ngayon. Bilang member ng Iglesia ni Cristo, kuntento na raw siya sa bago niyang relihiyon. Kasama siya sa stageplay na Sugong INC sa kanilang 100thyear celebration kamakailan.
Si Matet naman ay nahihirapan pero nakakabuwelo naman bilang asawa, magulang, at artista.”Mahirap ng pabayaan ko ang maging misis ng husband ko, baka iwanan ako niyon at ‘yon ang ikinatatakot ko.”
Si Vandoph naman ay nagsabing dream role niya ang maging “autistic” character at gusto niyang maging Dolphy sa pamilya at sa industriya.
Sige, umpisahan mo ng maging ‘generous’!