ni Roland Lerum
“HONEY”ang tawagan sa isa’t isa nina Mommy Dionisia at boyfriend niyang si Michael Yamson. Ngayong tanggap na ng parents ni Michael si Mommy D. bilang anak na rin nila, wala nang problema. Pero mukhang alanganin pa rin si Manny Pacquiao dahil kasal na rin ang nanay niya sa tatay niya.“Bigyan lang ako ng pagkakataon ni Manny, patutunayan kong kaya kong alagaang mabuti ang nanay niya. Ngayon pang lantad na ang aming relasyon ng ‘honey’ ko,” sabi ng BF ni Mommy D.
Si Michael ay 38 samantalang si Mommy D ay 65 na. Kitang-kita naman sa mukha ngayon ni Mommy D na napakasaya niya at sa edad niyang ito ay nakaakit pa rin siya ng lalaki. Plano na nga nilang magpakasal sa lalong madaling panahon. Dasal din ni Mommy D na magkaanak kay Michael pero alam naman niyang imposible ito pero kung ibibigay ng Diyos, why not, sabi niya. O. Laban ka?