Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Herbert, walang panahon sa love life

082514 Herbert Bautista
ni Nonie V. Nicasio

WALANG panahon sa kanyang love life si   Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ito ang kanyang tinuran nang usisain ng press sa ibinigay niyang get-together lunch sa mga taga-entertainment media na nag-birthday sa month ng January to September. Ginawa ito sa Vera-Perez Garden na sobrang ganda ngayon.

“Okey naman ang puso ko,” nakangiting sagot Mayor.

Nang diretsahin ukol sa kanyang love life, sinabi niyang sa mga anak niya ang kanyang focus ngayon. “Hindi, e, iyong mga bata pa rin. My daughter na si Athena is in Ateneo. Iyong aking anak na isa, magka-college admission test sa U.P. at saka sa Ateneo. So hopefully, pumasa siya roon. So iyon ang focus ko ngayon.”

Kahit single ngayon, hindi raw siya malungkot. “I’ve always been single,” nakatawang saad ni Mayor. “I’m not committed to anyone. I’m committed to my kids, to my work… ‘yon!”

Hindi rin daw niya iniisip ang ukol sa pagpapakasal. “It would be unfair kasi, e. Alam n’yo naman ang drama ng buhay ko, e, ‘di ba?

“So, I maintain my friendship and my respect to the mothers of my children. I’m seeking their forgiveness if I have done something wrong to all of them. But I thank them so much for bearing good children—God-fearing and respectful children.

“Kapag may mga presscon, tinatanong ako lagi about getting married-oo naman, I’ve been wanting to. But you know, time does not allow it.

“Siyempre kapag nagpakasal ka, kailangan may honeymoon. Paano ka magha-honeymoon, kung nakaupo ka nga-yon?”

Samantala, itinanggi rin ni Mayor Bistek ang balitang na-ambush siya. “May lumabas sa social media that we were ambushed by the drug syndicate na inaway ko. E, hindi naman, nandito ako e.

“Kung sino man ang gumawa niyon ay thank you dahil naging mas mahigpit ‘yung security ko ngayon. Mas active ngayon ‘yung Quezon City Police District para habulin sila.”

Muli rin niyang inilinaw ang insidente na kanyang nasampal ang isang suspected drug pusher. “Immediately I have to say sorry, e. After that, tina-tap ko ang ulo niya na… pasensiya ka na, ha. Mabigat, mabigat kapag ganoon, e.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …