ni Ronnie Carrasco III
TAKANG-TAKA raw si Rita Avila kung paanong naisapubliko ang aniya’y confidential letter na ipinadala niya sa dalawang mataas na staff ng programang Wish Ko Lang.
Kombinasyong incident report at complainst letter ang nilalaman ng kanyang liham tungkol sa umano’y kabastusang dinanas niya sa kanyang co-star na si John Regala.
Huwag na nating pansinin ang iilang grammatical lapses sa sulat ni Rita, maliwanag ang pagkakadetalye niya ng pangyayari sa taping na nang makauwi na raw siya ng bahay ay roon umatake ang kanyang stress na ikinaospital pa niya.
Hindi sa hindi kami pumapanig kay Rita. Having gone through John’s reported acts of discourtesy ay sapat nang dahilan para idulog nga naman ng aktres sa produksiyon ang kanyang reklamo.
But Rita had a choice, yaman din lang na nag-krus sa kanyang isip na mag-walk out sa set. Rita could not have dilly-dallied, itinuloy na sana niya ang pagwo-walk out sa simula pa lang pagpapamalas ng kabastusan ni John.
Kaso, the choice that Rita made was to stay. Eh, ‘di lalo pa tuloy siya nabastos ni John.
As regards the “letter leakage,” marami tuloy ang nag-i-speculate na maaaring naikuwento na ni Rita sa ilang malalapit na reporter ang tungkol sa insidente. Possibly, dahil even before nag-leak ang sulat ay naglipana na ang mga blind item until pinangalanan na si Rita.
Sa totoo lang, the issue is not about her “confidential letter” to the Wish Ko Lang staff. All the more na maisapubliko ang kanyang hinaing, the better for her and her case.
Ang isyu rito ay ang nang hindi siya pumalag sa mga pinagsasasabi’t pinaggagagawa ni John, that she chose to remain silent. Maano ba namang right then and there ay isinumbong na niya si John saWKLstaff na nasa set?
And speaking of her stress-related vomiting spells, pagkahimatay at pagbagsak ng kanyang blood pressure that resulted in her confinement, puwedeng i-attribute‘yon sa pag-suppress niya ng tensiyon. Had Rita released it, nakahinga pa sana siya ng maluwag.