Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Engagement ring, halos ayaw hubarin ni Marian!

081214 marian rivera dingdong dantes

ni Roland Lerum

KAHIT wala na sa poder niya ang dating manager na si Popoy Caritativo kukumbidahin pa rin niMarian Rivera ito kapag ikinasal na siya sa Immaculate Conception Church sa Quezon City sa December 30, 2014.

Ayon kay Marian, nagkita sila ni Popoy noong kasagsagan ng Cinemalaya Film Festival. Pero hindi sila nagka-usap. ‘Yung nanay lang ni Popoy ang nakahuntahan niya. ”Darating din ‘yung time na magkakausap kami, pero sa ngayon, ayoko munang ipilit. Pero invited siya sa kasal namin ni Dingdong (Dantes).”

Ngayon pa lang excited na siya sa magaganap na event sa kanyang buhay. Halos hindi nga niya alisin sa daliri niya ang Harry Winston engagement ring na worth P4-M na ibinigay ni Dingdong nang mag-propose ito sa kanya one Saturday night sa kanyang show.

‘Di pa alam kung sino ang magde-design ng kanyang wedding gown at tatahi nito. Pero may naiisip na siya at marami na rin ang nagpiprisinta. Sabi ni Marian, anim na taon na silang close ni Dong at dahil 32 na ito, siya na mismo ang nagdesisyon para ikasal sila.

Solong anak si Marian kaya payag siya sa gusto ni Dingdong na magkaroon sila ng maraming anak. Sa show ni Jessica Sohokamakailan, ti-nest kung gaano sila magkakilala at walang duda na sila na ngang talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …