Monday , November 18 2024

Emote ni Sharon sa sarili, nakabubuti

082514 Sharon Cuneta

ni Timmy Basil

NAGLABAS ng mga hinaing  sa kanyang sarili ang Megastar na si Sharon Cuneta through her own social media account. Naging pabaya raw siya sa kanyang sarili. Sharon may be referring to her weight na tila nagpabaya siya noong una at hinayaan niyang lumobo ng lumobo.

Kung sabagay, tama ang ginawa ni Sharon. Minsan naman kasi, hindi puro iba na lang ang sinisisi natin, dapat sisihin din natin ang ating sarili sa ating mga kapabayaan. Lalo na sa kaso ni Sharon na kung tutuusin, hindi naman talaga hopeless case at ang dami namang  matataba na pumayat talaga dahil nga nagkaroon sila ng disiplina. Nagbawas ng food intake, nag-diet, nag-gym, at dibdiban ang determinasyon na pumayat.

Nailabas na ni Sharon ang kanyang emote sa sarili. Tama na siguro kasi kapag patuloy niyang sinisisi ang kanyang sarili, baka naman iba ang kahinatnan.

Sa tingin ko may pag-asa pang pumayat si Sharon. Huwag na nga lang niyang naisin pa ‘yung figure niya noon nang gumanap siyang Darna sa Captain Barbell. Imposible ng maibalik ‘yun.

Kahit ‘yung figure ni Sharon noong kasagsagan ng Sharon sa channel 2, medyo mataba-taba na siya noon pero kering-keri pa niya na magkaroon ng younger leading men.

Kahit ganoon lang ang ma-achieve ni Sharon, okey na at puwede na sigurong bumalik ang kompiyansa sa sarili.

ALBUM NG BATCHMATES, NOMINADO SA 6TH PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC

BINABATI namin ang grupong Batchmates na patuloy na humahataw ang career. Paborito silang performer sa lahat ng Padi’s Point sa Metro Manila. Palagi silang request at halos lahat ng Padi’s ay nakapag-show na sila, pabalik-balik pa nga. Katunayan sa Padi’s Point Pala-pala, naka-tatlong balik na ang grupo.

Pero ang main purpose ng pagbati natin sa grupo ay ang pagiging nominado nila sa 6th PMPC Star Awards for Music na ang self-titled album nila ay nominado sa Dance Album category.

Napakinggan ko na ang lahat ng kanta sa album ng Batchmates at talagang mapapaindak ka talaga sa kanilang version ng Feel Like Dance.

Gustong-gusto ko rin ang kanilang Boom Boom Para Boom na parang foreign group ang kumanta pero ang pinakagusto ko talaga ay ang kanta na pinatutugtog sa mga radio station, ang Di Na Mahal.

Hindi baduy ang mga kanta ng Batchmates at pagdating naman sa hatawan, grabe talaga, sila na ang New Breed of Filipina Performers.

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *