Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mrs. Universe 2014 Hemilyn, humihingi ng suporta

082314 Hemilyn Escudero-Tamayo
ni Roldan Castro

NASA Malaysia na ngayon ang kinatawan ng Pilipinas para sa Mrs. Universe 2014 na si Hemilyn Escudero-Tamayo. Kung pipili siya ng artista na gusto niyang sumali sa pageant na ito, choice niya si Charlene Gonzales.

Si Hemilyn ay finalist ng Mutya ng Pilipinas noong 2005. Pang-apat niyang lahok ito sa international competition, naging Ms All-Nations winner siya sa Ms. Globe International noong 2005. Naging Ms. Petite International siya noong 2006, at naging Best National Costume winner at Ms.Global Asia winner siya sa Ms. Global City noong 2008.

Sumuporta naman ang kanyang mister na si PAF Reserve Major Richard Antonio Tamayo sa pagsali ni Hemilyn sa Mrs. Universe. Bago raw sila ikinasal ay sinabi na niya noon na gusto niyang sumali sa Mrs. Universe.

Ang Mrs. Universe ay ginaganap ngayon sa Sunway Resort Petaling Jaya, Malaysia mula August 21-28. Iboto natin siya online. Voting is ongoing till Aug. 28 sa www.mrsuniverse2014.com. Sa ngayon ay number 4 sa ranking ang Pilipinas sa 45 na misis na maglalaban galing sa iba’t ibang bansa.

Marriage certificate ang isa sa kailangan para makalahok sa kompetisyong ito. Puwede rin pala ‘yung hiwalay sa asawa basta hindi annulled. Pero mas maganda pa rin na hindi hiwalay sa asawa ang makasali rito.

Ang reigning Mrs.Universe ngayon ay si Carol Lee ng Malaysia. Ang previous winners ay galing sa Bulgaria, Latvia, Lithuania, Finland, Venezuela, at Colombia.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …