Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta 18 years nang kasal kay Kiko Pangilinan

070714 sharon kiko
ni Peter Ledesma

PINIK-AP nang halos lahat ng tabloids at umingay rin sa social media ang latest post ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook Account na may kaugnayan sa kanyang pagiging heavy.

Humingi pa siya ng paumanhin sa kanyang fans partikular na sa kanyang minamahal na Sharonians sa pagpapabaya niya sa kanyang katawan. Pero sa ngayon ay ginagawan naman niya ito ng paraan lalo pa’t miss na rin niya ang mga dating ginagawa sa showbiz tulad ng pag-arte, pagkanta at pagho-host.

At least kabilib-bilib ang pagiging honest at totoo sa sarili ng nanay-nanayan namin sa showbiz. Talagang inamin niya na dumaranas siya ngayon ng tinatawag na mid-life crisis. At dahil marami ang nagmamahal sa kanya mapa-showbiz man o non-showbiz, siguradong malalampasan niya ang lahat. May plano na rin ang megastar na pagkatapos mag-expire ang kontrata niya sa TV 5 na one year and a half na lang ay babalik na siya sa dating network na ABS-CBN.

By the way nakita namin ang bagong post ni ‘Nay Shawie sa kanyang FB, kasama niya sa picture ang kanyang loving husband na si Francis “Kiko” Pangilinan na naglilingkod ngayon bilang Presidential Assistant for Food and Security and Agriculture Modernization.

May kinalaman sa kanilang 18 years na pagsasama ang post ni mega. Sobrang ine-enjoy nga pala ni Kiko ang sariling farm nila ni Shawie na Sweet Spring Country Farm na may pataniman ng mga organic vegetable and fruits. Nag-post rin ang megastar na nagbebenta ng mga organic foods ang mag-amang Kiko, Miel at Frankie. Matatagpuan sa Alfonso, Cavite ang nasabing farm ng mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …