ILOILO CITY – Problemado ngayon ang commercial sex workers sa Lungsod ng Iloilo kung ano na ang kanilang magiging hanapbuhay kasunod nang pagbabawal sa kanila sa Iloilo City.
Sa ipinasang ordinansa ng Iloilo City Council, ipahuhuli na sa mga pulis ang commercial sex workers kapag nakita sila sa mga kalye sa palibot ng lungsod.
Kapag nahuli, sila ay pagbabayarin ng P1,000 at isang buwan pagkakakulong sa first offense; P2,000 at anim buwan na pagkakakulong sa second offense at P3,000 at isang taon na pagkakakulong sa 3rd offense.
Bukod sa commercial sex worker, aarestuhin din ang mga tao na nakikipag-transaksiyon para sa kanila o ang nagsisilbing bugaw.
Naging problema rin sa Iloilo City ang pakalat-kalat na commercial sex workers sa mga kalye sa gabi dahil dumarami ang nagrereklamong mga lalaki na kanilang ninanakawan.
Sa kabilang dako, hiniling ng ilan sa commercial sex workers na sana ay mabigyan sila ng alternatibong trabaho ng city government.