Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Matteo, sweet na sweet pagkatapos manood ng sine

082214 sarah matteo
ni Alex Brosas

NANOOD ng sine sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Bonifacio High Street at nakunan sila habang pababa ng sinehan. Nakunan ng photo ang dalawa habang sakay ng escalator na very sweet na nakahawak si Sarah sa braso ni Matteo na nakatawa nang sila ay makuhanan ng photo.

Of course, ang daming kinilig sa picture na ‘yon na lumabas sa isang very popular blogsite. Kaya lang, mayroong mga nag-joke na baka kasama nila ang madir ni Sarah. Mayroon pang nagsabing baka ang madir nga ng Pop Star ang kumuha ng photo ng dalawa which to us is very impossible kasi ayaw nga nito si Matteo para sa kanyang anak na dalaga, ‘no!

Anyway, marami ang nag-comment ng positive about the couple base sa nakita nilang photo ng dalawa.

“I love this. Kitang-kita mo kung gaano kasaya si Matteo. Sana hayaan na sila ni Mommy Divine. I’ve always admired Sarah; pinag-aral ang mga kapatid. And take note, sa ibang bansa pa. Time naman na sarili niyang happiness ang unahin n’ya. ‘Yang happiness na ‘yan ang ‘di kayang ibigay ng pamilya n’ya,” may pakiusap na comment ng isang  avid Sarah fan.

“See how proud matteo is to be with sarah g, until now siguro iniisip pa rin niya gaano siya ka-swerte that his dream came true..dont worry matt, ang swerte rin ni sarah sa ‘yo..hope kayo na forever..love love love!” sabi naman ng isa pa.

Pero siyempre marami pa rin ang nagdududa kung tatagal ang relasyon ng dalawa. It’s a known fact naman na hindi type ng madir ni Sarah si Matteo para sa Pop Star.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …