Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 7)

00 puso rey

HIGIT NA NAG-ENJOY SI YUMI SA PAG-INTERBYU SA SINGER-PIANIST

Ipinaalam sa kanya ni Miss Ellaine na sa dami ng commitments ni Jimmy John sa araw na ‘yun ay sampung minuto lamang daw ang dapat itagal ng interbyuhan. Kung komportable siya umano sa sariling wika ay pwedeng Filipino ang gamitin niya sa pakikipag-usap.

Apat na security personnel na pawang de-baril sa baywang ang nag-escort kay Jimmy John. Naupo sa silyang metal na katapat ng inuupuan ni Yumi. Pormal na pormal ang dating. Naka-long sleeves na kulay dilaw na napapatungan ng kulay itim na blazer. At naka-dark sun glasses pa.

Bago ang panayam ay binati muna ni Yumi ng “good morning” si Jimmy John. Ang isinagot sa kanya nito ay “Magandang umaga po, magandang binibini.” Walang beso-besong nama-gitan sa kanilang dalawa. “Pwede na tayong magsimula…” ang hirit agad sa kanya ng kaharap na singer/pianist.

Naging magiliw ang lady reporter sa mga pagtatanong kay Jimmy John. Ang lahat naman ay sinagot nito nang buong katalinohan at kais-martehan. Noon niya natuklasan na hindi lang pala magaling sa spelling at chess, gaya nang naisulat sa magasin na International Free Press, kundi mayroon pang malawak na kaalaman sa halos lahat ng paksa na pwedeng pag-usapan sa ilalim ng araw: World History, Science, Poli-tical Science at iba pa. Kahit na walang ballpen at papel ay kamangha-mangha niyang naipakita ang talas ng isip sa Math.

Binuksan ni Yumi ang calculator sa kanyang cellphone. At ganito ang itinanong niya kay Jimmy John: “888 times 888 times 5 divided by 8?” Ang mabilis na sagot nito ay “492840” — gaya ng mga numerong nakarehistro sa kanyang cp calculator.

Napapalakpak siya sa tuwa.

“Wow! Ang galing-galing mo naman!” bulalas niya sabay pisil sa braso ni Jimmy John.

Walang anumang naging reaksiyon ang singer/pianist. Ni komplementaryong “thank you” ay wala rin. O kahit bahagyang ngiti man lang. Naibulong tuloy niya sa sarili: “Suplado ‘ata…” Pero dinedma na lang niya iyon.

Bigla na lang nakati-katihan niyang itanong kay Jimmy John: “May girlfriend ka na ba sa ngayon?”

“A female friend?” paglilinaw nito.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …