KINOMPISKA ng mga awtorida sa Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang tinatayang 2,164 kilo ng sariwang prutas sa PAL cargo warehouse na naka-consign sa Bagong Sigla Cooperative na dumating nitong August 10 via Philippine Airlines flight PR 119 mula Canada.
Ayon kay Joel C. Pinawin, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) ng Bureau of Customs, ang shipment sariwang cherries na may Airway Bill No. 0799990683 ay walang import permit ay phytosanitary certificate para sa Plant Quarantine kaya awtomatikong isinailalim sa collector’s corral.
Ani Pinawin, ang shipme nt ng cherries na tinatayang nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa P3 milyon (street value) at ang warrant of seizure and detention (WSD) ay inirekomenda sa tanggapan ni Customs District Collector Edgar Macabeo dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1433 at DA Administrative Order No. 18 Series of 1978 at 2000.
Ipinalabas ang Alert Order No. 08152014 sa nasabing shipment dahil nabigo ang may-ari o kinatawan niya na magharap ng kahit anong health and importation permit.
Ayon sa ilang source sa Warehouse, wala nang intensiyon ang may-ari na tubusin ang kanilang shipment.
Inilagak ang nasabing cherries sa chiller ng Customs para hindi mabulok.
(GLORIA GALUNO)